Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, June 1, 2012

Ang Kasarinlan at Pagbabago






Ang Kasarinlan at Pagbabago
By Herbert Curia


Kahirapan!!! Kahirapan!!! Ang isinisigaw ng mga dukha, mahihirap, sila’y nanlilimahid sa gutom at pawang kapus palad. Iyan ang aming hinagpis sa buhay sa bansang ito……Sino ang tutulong at magaahon samin sa kinasasadlakang ito?…….Ano ba ang pagunlad at paano ito matatamo sa isang lipunang may Gobyernong Namamahala…..

Sino kami sa Bansang ito pawang pulubi at kapus palad at maralita kami ba ay may puwang sa mundong ito at gumalaw ng may pagasa at maayos na buhay….. ito ang palaging tanong ng mga maralitang Pilipino na ating makakasalamuha sa lansangan, May  mga nakikibaka sa pagbabago upang makaahon sa sumpa ng katatayuang ito, May nagbabakasakali sa mundong ginagalawan na baka swertihin at palarin, May nawalan na ng pagasa at kumakapit sa patalim upang mabuhay ang iba’y tinakbuhan na ng ulirat sa kaisipan,  Paano tayo susulong upang makamit ang pagasa at tagumpay…

Pambansang Demokrasya sigaw ng ilan, makibaka at makipaglaban sa Pambansang Demokrasya upang makamtan at Makita pa natin ang maayos na hinaharap…..Tayo ay susulong at uunlad kung maninindigan sa Pambansang Demokrasya, paninindigan para sa kalayaan at sariling kapasyahan upang matamo ang pagbabago at kasarinlan at makaahon sa sumpa ng kahirapan. 

Anong pagbabago sa pakikibaka ng Pambansang Demokrasya kung tayo ay papaslangin ng mga ganid sa tungkulin at mga namumunong sila lamang ang nakikinabang sa bansang Pilipinas.  Sakripisyo ang kanilang sigaw para sa pagbabago at kasarinlan at kinabukasan ng ating mga saling lahi upang makamit ang tagumpay at makaahon sa sumpa ng kahirapan at di pantay na karapatan at kaapihan sa kamay ng mapangaping uri. Hirap, Dugo at Pawis at buhay ay handang iaalay upang makamit ang parehas na pamumuhay…..  

Gumising at makibaka magkaisa tungo sa pagunlad at tutulan ang mga hindi pantay na Pamamahala at mga pamamalakad.  Ipaglaban ang karapatan para sa kapakanan ng bawat isa, Ipaglaban ang Pambansang Demokrasya ito ang sigaw sa EDSA ng mga maralita at kapus palad at naglalayon ng pagbabago at kasarinlan…..

Nakakaawa ang Bansang Pilipinas sa kamay ng mapang-aping uri at mga Burukrata kapitalista at mga dayuhang kumokontrol sa ating bayan. Walang makain namamatay sa kahirapan at nagugutom, pinapasalang sa kahirapan at sa nais na pagbabago at pakikipaglaban ng wasto at karapatan. Anong sumpa mayroon ang bansang ito at dumadanas ng ganitong paghihirap at pighati.  Ang digmaan ay magkabilang panig at ipinaglalaban ang kanilang layon na sa kanila’y wasto at pagbabago.

Alin nga ba ang wasto o pangkalahatang kabutihan, ang Pulitika nino, pultika ba ni Pedro ni Juan o Pulitika ko!!!!. Pulitika ng mayaman o mahirap sino ang tama at wasto…….Ang bawat isay nagsasabing silay wasto at tama, tama nga ba sila?……Sino ang aking susundin at tatangkilikin sinong pulitika? Akoy isang hamak at gutom na pinoy lamang paano ko pa malalaman ang pulitikang ito kundi isaisip ko ang paglaman ng kalam ng aking sikmura maging ano pa mang paraan iyan ang palaging daing at katwiran ng iilan. Sabagay ay may punto kahit mali at tayong may mga isip at mataas ang antas ng kaisipan at katatayuan sa buhay na mulat at kayang imulat ang kaisipan sa ating lipunan ay ating simulan at punuan ito upang tayo ang maging ehemplo ng pagbabago at kasarinlan…..

Sanay maging matagumpay ang naglalayon ng tunay na wasto at mabuti para sa lahat at ang patnubay ng Diyos ay palaging sumakanila….. naway makamtan ng Lipunang Pilipino at Bansang ito ang tunay na pagkakaisa para sa tunay na pamumuhay……

Ano mang Pulitika kung ito ay magbibigay ng pagbabago at kasarinlan at tunay at pantay na pamumuhay sa bansang ito ay sanay pagkalooban ito ng lakas at biyaya upang isulong ito……

Ang Patnubay ng Diyos ay suma ating lahat……sa mga Pilipino at buong mundo…..

Pagbabago at kasarinlan sa Bansang Pilipino

Promote Human Rights


This Story and Message are for courage and unity for every Filipino to see the Right Politics on the Poverty situations in the Philippine Archipelago and fight for the Change and Freedom…….


End……..  



By: Herbert Curia
      Story and ideas of Changes and Freedom



0 comments:

Post a Comment

 
twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

HERBERT TV - MOVIE AND STORYTIME