Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Friday, June 1, 2012

Sa Baryo




Sa Baryo

 By: Herbert Curia
Creative Stories





Kabooooom!!!!!!! Isang malakas na pagsabog ang signal fire na binitawan ng isang unit ng  mandirigmang NPA, blockings, blockings and tawag nila dito habang pwersa at walang humpay na pinapaputukan ng isang unit na ito ang isang Platoon reinforcements ng mga Militar…….

Umaga nuon masayang nagbibiruan sa Ka AlanPedring at Ka Tolome ng biglang papututukan sila mula sa gawing kaliwa ng posisyong kanilang kainatatayuan walang tinamaan at halos masugatan si ka Pedring sa pagdapa at Si ka Tolome naman ay umupo at gumilid sa isang cover na pwesto at agad din silang nakareturn fire sa grupo ng mga sundalong kumokubkob sa kanila upang mantinihan ang kanilang poste, kubkob iyan ang tawag sa opensibang militar sa hanay ng NPA at kung ito’y kanilang isusupress sa isang lugar ng kanyang kinatitigilan. 

Agarang nag-command ang kanilang company commader at Dumeploy at pumosisyon ang isang kumpanya ng mandirigmang NPA sa pangungubkob sa kanila. Di kawasay kabisado ang lugar na tinigilan naka posisyon agad ang mga mandirigma planka dito at plangka duon habang silay walang humpay na pinapaputukan at pinapasabugan ng mga kaaway….

Ang pinasukan ng militar ay medyo mahirap na posisyon at ito ang bentahe ng kanilang pinuwestuhan kung may papasok na kaaway…… Planka ang isang unit ng mandirigmang NPA upang maniobrahin ang kubkob ng mga kaaway, pinuwestuhan nila ang isang bahagi kung saan ay base sa kanilang highlights at measures na pagaaral sa kanilang tinigilan ay alam na nila ang mga posisyon na bawat pupwestuhan kung sakaling may mga ganitong sorpresang laban.

Ang mga military habang walang humpay na nagpapaputok ay pilit pasukin o I-assault ang lugar at duon pa lang sa posisyon nila ay nahihirapan na silang makalapit sa pagmantini nina ka Pedring at ka Tolome. Isang kumpanya din ang laking ng pwersa ng mga militar na ito kaya malakas ang kanilang pwersa malakas ang gamit sa lakas ng pagsabog na kanilang binibitawan.  Gahol si ka tolome sa pagrat-rat ng machine gun laban sa mg kaaway  at si Ka Pedring naman ay gayundin habang hawak ang isang BAR caliber at pwersang protektahan ang kanilang pwesto.

Yumayanig at tumataginding ang buong kapaligiran na animoy magugunaw ang mundo sa lakas ng salpukan ng magkabilang panig.  Ang nagmaniobrang mandirigmang NPA ay nakapwesto ng maayos sa gilid ng kaaway at duon nagsimula nilang pukpukin ang mga ito at marami ang nalagas sa mga ito at hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari, hindi nila makuhang opensibahin ang maniobra kundi nalagay sila sa depensa sa kanilang pangungubkob.

Gayunpaman ay buo ang loob nitong commanding officer ng mga militar na pasukin at igupo ang mga NPA subalit magiting din ang pagproprotekta ng mga NPA sa kanlang pwersa dala dala ang kanilang prinsipyo sa kanilang pakikipaglaban, kailangan nilang mabuhay para sa bayan. Ang isang Unit ng NPA ay nagmaniobra naman sa kanan upang duon pukpukin nag mga kaaway at walang humpay silang nakipapalitan ng putok duon. Medyo mahirap ang pwesto sa kanan at may mga kasamang tinamaan  ng malubha nakalagas din ang mga sundalo subalit magaling ang grupo ang ibang unit sa gitna na sobra pa ang bilang ay nag reinforce sa maniobra sa kanan ay pumwesto ng mabute at duon ay gumamit sila ng mga RPG at machine gun upang mapwersa ang kaaway at silay nagtagumpay madami sa kaaway ang nalagas at sugatan upang mabawasan ang isang higanteng putok na nangggagaling sa kanila.
 
Habang nagpupukpukan duon ay nagcommand ang CO ng NPA sa isa pang unit na pusisyunan ang posibleng reinforcements entrance ng mga sundalo at agad nagtungo duon ang isang unit ng NPA, habang abala ang iba sa pagpapaputok at pag hupay sa kubkob ng mga sundalo.  Mga ilang sandali ay nagcommand na ang CO ng assault upang tapusin ang mga sundalo sa kanilang pakay.    
Mga ilang RPG muna ang pinawalan bago umassault ang mga kasama, at duon walang humpay na kinalos nila ang mga sundalo ubos sila at sugatan lamang ang natira.  Hindi nagtagumpay ang mga sundalo at sila ang dumanas ng saklap at pait sa kanilang pakay sa mga mandirigmang NPA. Matagal ang Pukpukan umabot ito ng mga 3 oras sa laki ng pwersa.  Binigyan ng gamot ng mga kasama ang mga sugatang sundalo at at tinipon sa isang tabi, ang mga 4 pa sila na swerteng nabuhay subalit alahado na sa tindi ng tamang inabot.

Ang mga nagblockings na NPA naman ay nagsimula ng bakbakan ang reinforcement na dumating, nakatawag ng reinforcement ang mga sundalo isang platoon din na mga kasama nila sa di kalayuan sa operasyon. Pukpukan duon at marami agad ang nalagas sa pwersa ng machine gunner at mga rat rat ng kasama at sa ganda ng bundok na kanilang pinwestuhan marami ang kaswalti ang mga sundalo sa blocking na isinagawa ng kasama. Ang ibang sundalo ay umatras habang inaassault na sila ng mga kasama. Isang unit lamang ng mandirigma ang bumanat dito sa isang platoon na ito sabagay itoy usapin ng pwesto at ang may magandang pwesto panalo.

Matapos ang labanan, pagod na pagod ang mga kasama marami ang kaswalti rin at may ilan ang bilang ng nalagas sa kanila swerti pa din at nakamaniobra at mga kalaban ang natalo sa labanang iyon. Ang mga kasama ay nagtungo sa ibang parte ng Baryo na kanilang pinagtatangol mula pa nuon at duon nila ginamot ang iba nilang kasama at duon sila nagpahinga. Isa na namang bakbakan sa Baryo ang headline sa Balita, isang pagkatalo sa panig ng pamahalaan at demoralisasyon sa panig ng gobyerno at sundalo sa ganitong opensiba.

Nagbubunyi Ang Baryo sa matagumpay na pagtatanggol ng NPA at nagbigay pugay sa mga kasamang nasawi sa labanan.

Labanan kailan matatapos ang ganitong madugong labanan sa Bansang ito. Kapayapan ang sigaw ng Bayan……Sino ang magbibigay at sino ang magpapalabi upang pamunuan ang bansang ito. Bawat isay hinahangad ang mabuting pamumuno at silay naglalabanan upang makamtan ito.  Kailan sila titigil at matatapos at ang mga inosenteng sibilyan ay hindi madamay sa kanilang poot sa dibdib at ang kapayapan ay manatili sa ating bansa…… Kapayapaan, pagbabago, kaunlaran para sa lahat, itigil ang labanan at pagusapan sa malayang talakayan ng usaping pangkapayapaan ang usaping ito at pairalin ang prinsipyo ng demokrasya at karapatan upang makamtan ang minimithi ng bawat isa.   



End……





By: Herbert Curia
      Creative Stories and Courage and Peace Talks





0 comments:

Post a Comment

 
twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

HERBERT TV - MOVIE AND STORYTIME